Kadalasan nawawalan na rin sa isipan ng lahat ang tunay na kahulugan ng pasko. Mula sa wikang Ingles, ang pasko ay Christmas.Sa salitang ito, ating makikita ang pangalan na Siyang tunay na dahilan kung bakit natin taun-taon pinagdiriwang ang pasko. Si Jesus Christ na Siyang anak ng Diyos, bumaba sa lupa upang ,magkatawang-tao at iligtas ang nakararami sa kasalanan. Nang dahil sa pag-ibig mula sa Ama, walang pag-aatubiling inalay ni Hesus ang buhay Niya para sa lahat. Ang darating ng pasko ay isang pag-alala sa pagkapanganak ni Hesus.
Bago pa man tayo maliko sa mga bagay na nakasanayan na natin sa pagdiriwang ng pasko, bigyan muna natin ng halaga at pansin ang anak ng Diyos na si Hesus, Gawing makabuluhan ang panahong ito sa pagbibigay ng pagmamahal sa ating kapwa at maging mas malapit sa Panginoon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento